Usec Antiporda – Libre sa publiko ang Manila Bay beach resort
Excerpt
Muling uminit ang usapan hinggil sa Manila Bay nang bumulaga sa madla ang gabundok na “white sand” na itinatabon sa dulong bahagi ng aplaya rito upang maging isang public beach na ang hitsura ay kopya sa world famous na Boracay beach. Kamakailan lang kasi ay naging kontrobersiyal ang makasaysayang look na ito nang simulang linisin at hakutin ng awtoridad sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tone-toneladang basura na palutang-lutang sa buong kahabaan ng aplaya nito mula sa Cavite hanggang sa Navotas. Ito raw kasi ay isa lamang sa mga preparasyon sa lumutang na balitang magkakaroon ng magkakasunod na reclamation sa mga nasasakupang aplaya sa siyudad ng Maynila, Pasay, Las Pinas, Paranaque at Cavite – na karamihan ay gagawin umanong mga higanteng mall at casino na popondohan ng mga negosyanteng Tsino na malapit sa kasalukuyang adminstrasyon.
Citation
Veridiano, D. M. (2020, September 14). Usec Antiporda – Libre sa publiko ang Manila Bay beach resort. Balita, p. 5.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Subject
Collections
- Balita [64]