Sabah at iba pang pinag-aagawan sa SCS
Excerpt
Sangkot ang Pilipinas sa ilang pinag-aagawang teritoryo na nasa palibot ng South China Sea (SCS). Sentro ng mga sigalot ang sa China na umaangkin sa buong teritoryong sakop ng isang nine-dash line na pumapalibot pababa sa China, sa palibot ng South China Sea, kasama ang kanlurang baybayin ng Pilipinas, at ang hilagangsilangang kabilang ang Taiwan. May isa pa tayong sigalot sa isa pang bansa, ang Malaysia, hinggil sa isang teritoryo sa South China Sea, sa malaking isla ng Borneo timog ng Palawan. Sa dulong hilagang bahagi ng isla ng Borneo ang Sabah, na bahagi ng Sultanato ng Sulu. Ang Sultanato ng Sulu ay nagsimula pa noong 1405 nang itatag ito ni Sultan Sharif ul-Hashim na naninirahan sa Buansa, Sulu. Sa katanyagan nito, pinamunuan ng sultanato ang mga isla na nakapalibot sa kanlurang peninsula ng Mindanao sa silangan sa Palawan, hanggang sa pababa sa hilagangsilangan bahagi ng Borneo.
Citation
Sabah at iba pang pinag-aagawan sa SCS. (2020, September 2). Balita, p. 4.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Collections
- Balita [64]