Maaring makatulong ang puting buhangin ngunit polusyon ang tunay na problema
View/ Open
Request this article
Date
Metadata
Show full item recordClassification code
BL20200910_4Excerpt
Laman muli ng mga balita ang Manila Bay. Tinatambakan kasi ngayon ng puting buhangin ang 500 metrong baywalk, sa katunayan hindi naman ito buhangin ngunit dinurog na dolomite boulders, isang uri ng limestone, na nagmula pa sa Cebu, ayon mismo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). May inilaang P389 milyon budget para sa proyektong ito. Nagpahayag ng pagkabahala si Senate President Vicente Sotto na baka pagtagal ng panahon ay mapunta lamang sa ilalim ng dagat ang white sand o dinurog na boulder. Binanggit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pangamba ng isang geologist hinggil sa posibilidad na maanod lamang ang artificial sand kapag may dumaan na bagyo at high tide. Gayunman, siniguro ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na may engineering interventions na inihanda ang ahensiya para maiwasan ito.
Citation
Maaring makatulong ang puting buhangin ngunit polusyon ang tunay na problema. (2020, September 10). Balita, p. 4.
Corporate Names
Personal Names
Geographic Names
Collections
- Balita [64]