Nang mabuhay at mamatay ang Manila Bay
Excerpt
Medyo napangiti naman ako nang magkaroon ng malawakang paglilinis sa buong lugar. Pero panandalian lamang ang kasiyahan kong ito – Napahagulgol (di lang ito basta-basta iyak) nang malaman kong magkakaroon ng napakalawak na reclamation sa Manila Bay. May 43 reclamation, dalawa sa Maynila, tig-isa naman sa Pasay City at Cavite, at sa iba pang baybaying bahagi – na may sukat na 265 hectares o 2,650,000 square meters. Nakatatakot ito dahil batay sa pagsasaliksik na ginawa ng mga eksperto ay masama ang epekto nito – ang tawag nila rito ay “liquefaction”. Guguho ang mga gusaling itatayo rito – mga modernong malls cum casino na pag-aari ng mga “kumpale” na negosyanteng Tsino – kapag dumating ang lindol na binansagang “The Big One” ng mga eksperto.
Citation
Veridiano, D. M. (2020, September 9). Nang mabuhay at mamatay ang Manila Bay. Balita. p. 5.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Collections
- Balita [64]