US: We stand with PH sa Julian Felipe Reef
Excerpt
Naninindigan ang United States sa oldest treaty ally nito, ang Pilipinas, laban sa paggamit ng mga militia ng China para takutin, pukawin, at bantaan ang ibang mga bansa patungkol sa pagkakaroon ng higit sa 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef (Whitsun Reef) na nasa loob ng ang eksklusibong economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “We stand with the Philippines, our oldest treaty ally in Asia,” sinabi ng US Embassy sa Manila sa isang pahayag nang hingan ng komento sa huling panghihimasok ng mga Chinese sa West Philippine Sea. Sinabi ng US Embassy na nakita nila ang mga ulat tungkol sa napakaraming bilang ng fishing vessels ng People’s Republic of China na nagtipun-tipon malapit sa Whitsun Reef dahil nabanggit ito sa panawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na paalisin ang mga bangka gayundin ang diplomatikong protesta na inihain ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. noong Linggo ng gabi.
Citation
Mabasa, R., & Taboy, F. (2021, March 24). US: We stand with PH sa Julian Felipe Reef. Balita, p. 2.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Collections
- Balita [64]