Relasyon ng PH, China ‘di apektado – Malacañang
Excerpt
Hindi apektado ang relasyon ng Pilipinas at China sa pagsasampa ng diplomatic protest ng pamahalaan laban sa huli. Ito ang paglilinaw kahapon ni Presidential spokesman Harry Roque kasunod ng pahayag Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes na naghain sila ng protesta laban sa China matapos ang iligal na pagkumpiska ng Chinese Coast Guard fish aggregating devices o “payaos” ng mga mangingisdang Pinoy sa sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong nakaraang Mayo. “’Yang mga protests naman ginagawa talaga ‘yan ng ating mga diplomats kung meron sa tingin natin na lalalabag sa ating soberanya. Pero hindi naman po makakaapekto doon sa kabuuan ng ating matalik na pagsasamahan sa panig ng bansa natin at ng bansang Tsina,” paglalahad ni Roque.
Citation
Geducos, A. C., & Gamotea, B. (2020, August 22). Relasyon ng PH, China ‘di apektado – Malacañang. Balita, p. 2.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Subject
Collections
- Balita [64]