PH marine scientists naidokumento ang 33 bagong tala ng seaweeds sa Kalayaan Island Group
Excerpt
Isang pangkat ng marine scientists ang nakapagdokumento ng 33 bagong tala ng mga damong-dagat o seaweeds mula sa isang kamakailang ekspedisyon sa Kalayaan Island Group, at iminungkahi na mas marami pa ang malamang na matutuklasan sa hinaharap. Ang biodiversity ng seaweed sa Pilipinas ay “napakataas” at mayroong pinakamaraming magkakaibang uri ng seaweed flora sa tropical western Pacific, ayon kay Dr. Wilfred John Santiañez ng University of the Philippines-Marine Science Institute (UP-MSI). Batay sa pinakabagong mga ulat at tala ng herbarium, ang Pilipinas ay may kabuuang 1,079 seaweed taxa. Ito ay binubuo ng mga pulang damong-dagat o Rhodophyta (57 porsyento), berdeng mga damong-dagat o Chlorophyta (25 porsyento), at mga kayumanggi na damong dagat o Ochrophyta (18 porsyento).
Citation
Ruiz, E. V. (2020, September 25). PH marine scientists naidokumento ang 33 bagong tala ng seaweeds sa Kalayaan Island Group. Balita, p. 4.
Associated content
Online versionCorporate Names
Personal Names
Geographic Names
Collections
- Balita [64]